Ilaw sa parol ni cirio panganiban angelica
Ilaw sa parol ni cirio panganiban angelica
Ilaw sa parol ni cirio panganiban angelica song.
Ang Ilaw sa Parol
Ni: Cirio H. Panganiban
I.
ILAW!... Gabi-gabi, ang ilaw na yaon
Ay sinisindihan sa loob ng parol.
Isang munting kamay, kulubot at luoy.
Ang di na nagsawang sa habang panaho’y
Laging nag-iilaw sa ulilang balkon.
II.
May pitong taon na ang nakalilipas
Mula nang umalis ang bugtong na anak.
Lumaki sa layaw, nagmana ng pilak,
At nang magbinatang busog sa pangarap
Nilisan ang Ina’t ang mundo’y nilipad!
III.
Kaya, buhat noon, ang inang may hapis
Sa buntong-hininga, sugatan ang dibdib
Inang palibhasa’y Ina ng
Pag-ibig, Nasa kanyang puso ang bunsong nawaglit,
Hinihintay-hintay na muling magbalik.
IV
Ang kanyang pag-asa’y darating sa bahay.
Na lipos ng sigla ang bunsong nawalay.
Kaya, gabi-gabi, ang Ina’y may tanglaw,
Ilaw ng Pag-ibig sa dating tahanan,
Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal.
V.
Ibong nakakulong, kapag nakalaya,
Di ibig dumapo sa sangang mababa…
Ito ang nangyari